Sunday, May 7, 2017

Happy 30th birthday, Love!

"I swear, by the moon and the stars in the skies, I'll be there. And I swear, like the shadow that's by your side, I'll be there. For better or worse, 'til death do us part, I love you with every beat of my heart and I swear..."




Happy, happy 30th birthday love! Oo na ako na ang cheesy na nagdededicate ng kanta sa birthday mo. Gusto ko sana ikeep private 'to pero mas gusto ko isigaw sa universe kung gano kita kamahal at kung gaano ako kathankful na pinanganak ka sa mundo 30 years ago.


Alam ko sobrang hirap ng pinagdadaanan mo ngayon. Alam ko wala akong magagawa para maibsan ang pain mo. Pero gusto ko lang malaman mo na andito lang ako lagi para sa'yo. Walang iwanan kahit saan pa tayo makarating.

Ikaw ang pinakamagandang bagay na nangyari sa akin at hanggang ngayon hindi ko parin alam kung deserving ba ako sa'yo. Ang alam ko lang handa akong ubusin ang buong buhay ko para maprove sa'yo na sobrang mahal kita.

Lagi mo sinasabi pag nagkakaproblema tayo na hump lang yun na kailangan lagpasan. Alam ko itong sakit mo hump lang rin. Pinakamalaki so far pero hindi imposibleng malagpasan. Malapit ka na kase maglevel up kaya kailangan dumaan sa boss fight 

Salamat sa napakaraming taon ng saya. Hindi naging posible yun kung hindi ka pinanganak ni mommy haha! Dagdagan pa natin ang masasayang memories natin. Hindi muna ako magluluto kase baka maupset ka lang dahil 'di ka pa makakain pero promise kapag kaya mo na kumain lahat ng gusto mo lulutuin ko.

I love you di. Happy birthday uli! Wala akong gift na mabibigay kundi oras at pagmamahal. Alam ko naman sapat na 'yon sa'yo. Basta gusto ko malaman mo whatever happens, may isang taong magmamahal sa'yo at hinding hindi ka iiwan.





mi

No comments:

Post a Comment