Tuesday, February 14, 2017

February 14th

Good morning everyone. Pasensya na kung hindi ako nakakareply sa mga messages at hindi rin ako nakapagupdate. Sinugod ko kagabi si Cezar sa ospital kagabi dahil sa matinding pain, hilo, at pagsusuka. Iaadmit sya dapat sa Providence pero hindi sya agad mabibigyan ng pain meds (nasa 9/10 raw yung pain nya) kaya nilipat ko sya sa UERM.

Binigyan sya pain meds through IV at 3 oral meds before napababa sa 1/10 yung pain nya. May hilo pa sa gamot pero yung pagsusuka nagstop na (dahil lang daw sa intense pain). Tuloy tuloy parin yung bleeding nya dahil dun sa lumalaking tumor pero hopefully makausap namin yung onco surgeon today para mapagusapan kung pano ang gagawin.

Itatry kami ipasok sa charity para mabawasan yung expenses. Kung hindi ipapasok sa charity 500k wala pa PF ng mga doctor. Extensive surgery ang gagawin sa kanya need ng orthodontist, optha, plastic surgeon at marami pa daw iba.

Humihingi po uli kami ng prayers para makayanan po namin to. Sa ngayon po malakas kumain si Cezar kaya malakas loob ko na hindi sya basta basta manghihina. Salamat po sa mga patuloy na nagooffer ng prayers at tulong.

No comments:

Post a Comment