Tuesday, February 21, 2017

Happy 2nd Wedding Anniversary

Naging biruan na natin na katas ng retrenchment ko yung kasal natin two years ago. Maganda ganda ang package kong nakuha kaya nagdecide na tayo magpakasal kahit civil lang. Feeling ko kung hindi dahil sa legal reasons, di tayo magpapakasal ever.

Mula kase nung tumira tayo sa iisang bahay, nalimutan na natin na hindi pa pala tayo married. Sa puso at isip kase natin magasawa na tayo. Tingin ko nakahinga ng maluwag mga magulang natin nung finally nag "I do" na tayong dalawa.

Dalawang taon pa lang tayong kasal pero mahigit isang dekada mo na ako pinapasaya. Di ko lang alam kung napapasaya rin kita pero maniwala ka, sinusubukan ko. 

We are going to be "in sickness" and "for poorer" for a while pero I have no regrets, di. Alam ko babawi tayo pag magaling ka na. Babawi rin tayo sa mga taong nagmamalasakit at patuloy na tumutulong sa atin. Mahal na mahal kita at walang magbabago doon kahit sabi mo nga malapit ka na maging pirate.

You will always be my one true love, my best friend, my forever. Hinding hindi ko pagsisisihan na ikaw ang minahal ko.

Happy 2nd wedding anniversary sa pinakagwapong mister sa buong mundo. Hindi man tayo makakalabas ngayon, sana alam mo na ikaw ang pinakapaborito kong date sa lahat. Pangako, walang iwanan.
Love,
mi

No comments:

Post a Comment