Monday, April 10, 2017

My Prince Charming

Bata pa lang tayo, mula nung una nating napagusapan ang kasal, sinabi mo sa akin na gusto mo maging prince charming sa wedding day natin. Sabi mo hindi mo alam pano pero ang sigurado mo lang gusto mo mahaba ang buhok mo sa araw na yun. Nangyari naman yun kahit na simpleng civil wedding lang ang pinili natin. Sobrang gwapo mo nun (palagi naman)!

Ngayon 2 years after, naglalagas yung buhok mo dahil sa chemo at radiotherapy. Buti kung even yung pagkalagas pero hindi e, kung saan saan lang sya nakakalbo. Pero ok lang sayo sabi mo nga anything para lang magkaron ng fighting chance sa buhay.

At dahil dyan gusto ko ipakita sa lahat ng mga friends natin kung gano ka katapang at desidido na talunin tong sakit na to. Proud na proud ako sayo, beb. Kahit na mahirap lumalaban ka para sa atin. Gusto ko lang malaman mo, mahal na mahal kita kahit makalbo ka pa. Dibale paggaling mo babalik rin yan tapos pahabain natin uli. I love you di!




No comments:

Post a Comment