Monday, June 19, 2017

Pendant

Nung napagusapan namin ni dadi kung pwede ba ako humingi ng abo nya para ilagay sa pendant, sabi nya ok lang daw basta ako lang. Happy na ako ang kaso, meron pa syang ibang kondisyon. Ang sabi nya, balang araw, kapag naramdaman ko raw na tanggap ko na na wala na sya, kailangan ko itapon yung ashes nya (ashes lang di ha please ang ganda nung necklace e T_T).

2 batch ng pendant ang pinakita sa akin. Kamukhang kamukha ito nung dating regalo nya sa akin na nawala kaya natural ito ang pinili ko. Siguro nililead mo rin ako para mas madali ako makapagdecide.

Dad, di ko alam kung hanggang kelan ko susuotin to (di ko alam if matatanggap ko ever na wala ka na). Ang alam ko lang, hindi ko pa kaya ngayon. Hindi pa ako handa. Samahan mo muna ako. Dito ka lang muna sa akin.



No comments:

Post a Comment