Thursday, June 29, 2017

5 Years Ago

5 years ago 'tong picture na 'to. Nakamotor pa tayo noon, nangangarap pa lang magkakotse. Hindi ko malilimutan kahit kailan kung pano mo binuo paunti unti ang mga pangarap namin. Dugo't pawis ang puhunan. Nahirapan tayo, nagaway, nagutom, pero kahit minsan hindi mo nakanti ni dulo ng daliri ko. Madalas mo tanungin, "mi, kahit minsan ba napagbuhatan kita ng kamay?" Parehas lang lagi ang sagot ko, "never!"

You always made it a point to check on me kahit na magkasama naman tayo sa bahay. Para kang may invisible na checklist para masigurong masaya ako sa'yo.

Lagi ko pinagyayabang, 14 years tayo pero kahit minsan hindi mo ko pinagtaasan ng boses. I would always say, 'yan ang tunay na lalake, 'yan ang tunay na mabait na asawa.



Parati tayong may ternong piece of clothing o tsinelas o sapatos. Hindi pa uso yung twinning twinning na yan nagteterno na tayo. At dahil size 10 ka, syempre mas madali kung ako yung magaadjust ng choices. :P

Araw ng cremation, pinabaon ko sa 'yo yung pares mo ng tsinelas na katerno nung tsinelas ko. Ang tumatakbo lang sa isip ko non, hindi na ko magkakaron ng katerno uli.

Hindi ko nakikita ang sarili kong nakikipagcouple's anything with another person. Sabi nila 'wag raw ako magsalita ng tapos. Hindi ko rin naman alam kung anong naghihintay sa akin sa future. Ang alam ko lang, kapag nakikita ko 'yung ngiti ko dito, walang ibang taong makakapagpasaya sa akin tulad ng nagawa mo.

I miss you di. Napakalungkot ng buhay kapag wala ka. Pero tulad ng pinangako ko sa'yo, magiging ok rin ako. Hinding hindi ko papabayaan ang sarili ko. Alam ko naman lagi ka lang nakabantay sa akin. I love you dad. Kitakits.

No comments:

Post a Comment