Wednesday, June 21, 2017

Salamat

Nakauwi na kami. Maraming maraming salamat sa lahat ng mga nakadalaw kay Cezar. Salamat rin sa mga nagalay ng dasal, nagabot ng tulong, at nagbitbit ng masasayang kwento tungkol sa pinakamamahal kong asawa. Palaisipan parin sa akin kung saan isasaboy ang mga abo nya, pero knowing dadi, hindi nya ko mamadaliin.

Hindi ko alam kung pano ako magsisimula uli. Dinrowing ko na ang buhay ko hanggang dulo na kasama sya. Pero susubukan ko. Sobrang hirap pero susubukan ko.

Hindi ako magpapaalam, magkikita pa naman kami e. Ibubulong ko na lang sa langit ng gusto ko sabihin sa kanya.

Para naman sa lahat ng mga kapamilya, kaibigan, kaklase, at kaopisina, maraming maraming salamat po. Ang bilis nawala ni Cezar pero baka mas naging maikli pa ang oras namin kung hindi dahil sa tulong nyo. Balang araw makakabawi rin ako sa inyong lahat. Catch up tayo soon, babawi lang muna ako.

Hindi ko na papangalanan lahat, baka may malimutan pa ako.  Basta maraming, maraming salamat sa lahat. Araw araw ko kayong ipagdadasal. Ingat kayo lagi. Stay healthy and God bless.

No comments:

Post a Comment