Monday, July 10, 2017

CENOMAR

2 years ago kumuha tayo ng CENOMAR (Certificate of No Marriage) kase requirement yun para makapagpakasal tayo. Nagorder tayo online at excited na naghintay dumating 'yung mga papel.

Parehong first time natin nakakita ng CENOMAR in person kaya medyo nadisappoint tayo na ang onte lang pala nung nakaprint doon lol. Pero sa isang banda happy tayo kase kumpleto na 'yung requirements natin para sa civil wedding natin.

Never naman ako nagduda na kasal ka sa iba dahil solid naman tiwala ko sa'yo. Ikaw rin naman ganun sa akin (saka hello lagi na nga tayo magkasama e).

Never ko rin inisip na kukuha ako uli ng CENOMAR ng ganito kaaga after mo mawala. Hindi bilang requirement sa kasal kundi para makapagclaim ng mga death benefits mo. Habang nagoorder ako online, hindi ko napigilan 'yung pagtulo ng mga luha ko.

'yung unang beses kase na nagorder ako nito online, nakayakap ka sa likod ko habang nasa harap ko 'yung laptop at nagfi fill out ng mga personal information natin. Nakapatong pa 'yung baba mo sa kanang balikat ko habang inaasar mo ako na ang bagal ko magtype at ang OC ko magrecheck nung fields.

Ang sarap balikan nung mga araw na 'yon. Akala ko talaga wala nang katapusan. Pero nangyari na e, wala ka na talaga. From this point onward solo ko na kailangan gawin ang lahat ng bagay. Paminsan minsan syempre magpapasama ako. Pero iba parin 'pag 'yung tayong dalawa. Iba parin 'yung asaran sa kotse kahit grabe ang traffic, iba parin 'yung unli kwentuhan, iba parin 'yung maghawak ng kamay habang naghihintay sa kahit saan pang pila. Lahat ng bagay mas special kapag nandun ka e.

Kahit busy ako hindi ka nawawala sa isip ko. Araw araw ko parin pinagdadasal na makita ka at makasama ka uli. Hindi ko alam kung pano ako nagsusurvive, pero surprisingly, andito parin naman ako, lumalaban. Lagi ko sinasabi, wala ako mukhang maihaharap sa'yo kapag nagquit ako.

Tatapusin ko lahat ng sinimulan mo dad. Lahat ng hindi ka nagkachance gawin, gagawin ko for you. Salamat kasi sa ngayon 'yung mga unfinished business mo ang nagda drive sa akin na mabuhay. Siguro eventually matututo rin akong mangarap uli para sa sarili ko. Pero sa ngayon, tututukan ko muna 'yung mga pangarap na binuo natin magkasama. Huwag ka magalala, hinding hindi kita bibiguin.

No comments:

Post a Comment