Friday, July 7, 2017

July 7th

*The 5-year relative survival rate is defined as the proportion of persons surviving 5 or more years after cancer diagnosis compared with the proportion of survivors expected in a set of comparable cancer-free persons.*

Kalagitnaan ng treatment mo, nakaisip ako ng isang bagay na related sa paggaling mo. Sabi ko, after 5 years na madeclare ka na na cancer free, magpo propose ako sa'yo. Sabi ko, mas magiging memorable ang taon na 'yon para sa atin.

May nilalakad ako noon sa may Gateway nung napadaan ako dito sa lugar na 'to. Pumasok ako tapos bigla ko naisip, ito na 'yon. Ito na 'yung perfect venue to propose. Naisip ko pa, marami mas romantic pero may something dito na parang feel ko.
























The next day, naginquire ako sa current price kung ibubook ang lugar. Pwede naman daw pero hindi pa naverify with upper management. Pricey pero dedma, may 5 years pa para pagipunan.
Naidrawing ko na sa isip ko mga details. Listahan ng bisita, food, photographer, at syempre 'yung ring. Sabi ko pa, hinding hindi mo malilimutan 'yung araw na 'yun.
May draft na rin ako ng script ko kase alam ko mahirap mag impromptu kapag maraming tao. Ito sana 'yung script ko:

"Di, napakarami nating pinagdaanan lalo nitong nakaraang mga taon. Lahat na yata ng hirap at sakit dinanas mo. Alam ko sa buong panahon na 'yun, hindi ako naging perpektong asawa para sa'yo. Alam ko na may mga pagkakataong hindi 100% 'yung naibigay ko sa'yong pagmamahal, pagunawa, at pagaaruga.

Pero alam ko rin na walang ibang makakapagpasaya sa'yo tulad ng nagagawa ko. Alam ko na ako lang ang babaeng nakakaalam kung paano ka pangingitiin at bibigyan ng will na mabuhay.
Gusto ko malaman mo na mahal na mahal kita at wala na akong ibang mamahalin pa."
Tapos luluhod ako (oo kahit nakadress pa). Tapos tuloy ang script ko hoping na hindi pa 'ko sobrang luhaan at this point.

"Sa pangalawang buhay mo na 'to, at sa pangalawang pagkakataon natin magkasama habang buhay, will you do me the honor of marrying you -- again?"

Hopefully you'll say yes then we'd kiss and hug and everybody would cheer us on.
Pero hindi na sya nangyari.

I went there again today and maganda parin sya for me. Sabi ko nga, siguro sa next life natin ako naman ang lalake (sobrang ganda mo sigurong babae.) Malay ko ba baka naman matuloy parin 'yung proposal ko.

I love you di. I know you would've said yes a million times basta ako ang magtatanong. But for now I'll just have to wait.

Lagi ko pinagdadasal na wherever you are sana you have found peace. I don't mind the distance basta alam kong nakakahinga ka dyan, nakakaamoy, at nakakalasa. Kaya ko balewalain ang pain basta alam kong healthy ka at masaya kung nasaan ka man.

Sorry hindi na umabot 'yung proposal ko. Pero please know that if I could, I would marry you every day para lang patunayan sa'yo na there's no one else I'd rather be with.
I miss you at naghihintay pa rin ako sa'yo.

PS Dahil ayaw mo na pinipitas ang flowers pinicturan ko na lang for you. Sana magustuhan mo. :) Kitakits love.

No comments:

Post a Comment