Friday, July 14, 2017

July 14th

Isa sa biggest regret ko 'yung hindi kami nagkababy ni dadi. Napaguusapan ang kids pero nagsisimula pa lang kami maginvest noon kaya hindi matuloy tuloy.

'yung kinikita namin every month kapag binawas mo ang bills at monthly ng kotse at bahay hindi sapat para bumuhay ng isa pang tao (o magpaaral sa reputableng school sa future).

Hindi naman kami galing sa mayayamang pamilya kaya gusto sana namin maiba naman ang magiging buhay ng mga magiging anak namin.

Hintay kami ng hintay ng tamang panahon para mag anak. Pero imbes na planuhin dinidelay lang namin paulit ulit. Hindi kami nauubusan ng dahilan. After na lang mabayaran 'yung sasakyan, pag bayad na kahit half nung total nung bahay, after magparenovate, etc.

Hindi rin nakatulong na hirap ako magbuntis at nagkaron pa ng chemical pregnancy dati.

Sa kabila ng lahat umasa parin ako one day na magkakaron rin kami ng little Cezar or little Shiela. Eventually nagtry rin kami, 2 years mahigit pero wala nangyari.

Pabalik balik ako sa OB ko para mas mapabilis kami magkababy. Kaso wala talaga. Hanggang sa nagkasakit si dadi, at tuluyan na nawala 'yung possibility na magkaanak kami.

Kasama ng pagkawala nya, 'yung kawalan ko ng kagustuhan magkaanak. Naisip na namin dati 'yung mga pangalan. Babae raw 'yung panganay. Nicole Alexandria. 'yung pangalawa boy pero wala pa name. 'yung bunso Mort Miklotov pero joke joke lang. Gusto nya kasi ng Russian sounding name para astig daw.

Tinatanong (at inaaway) ko parin si God hanggang ngayon kung bakit pati anak hindi kami nagkaron. Sabi ko sa dinami dami ng masasamang tao sa mundo bakit asawa ko pa. Paminsan minsan naiisip ko rin ang sagot pero hindi parin sapat sa akin.

Alam ko kinuha Nya sa akin si dadi kasi mahal na mahal nya ako. Ako mismo hindi ko alam kung ano mangyayari sa asawa ko kapag nauna ako sa kanya.

Alam ko hindi Nya pinagadya na magkaanak kami kasi napakalaking kasayangan na hindi nya makilala ang tatay nya.

Alam ko ang sagot. Pero ang pusong nangungulila hindi nakakakilala ng rason.

Magiisang buwan na mula ng mawala sya sa akin. Wala paring araw na hindi ako umiiyak. Sinasabi ko na lang sa sarili ko, dapat matuwa ako kasi alam ko walang regrets si dadi sa buhay nya.

Kung may natutunan ako kay dadi, 'yun 'yung gawin lahat ng gusto mong gawin kung kelan mo gusto gawin. 'wag ka na maghintay pa na mawala 'yung pagkakataon. Wala na mas sasaklap pa sa regrets na hinding hindi mo na mababawi pa.

Para sa'yo di, hindi ako magaalangan sa buhay ko. Gagawin ko lahat ng gusto ko gawin para marami ako maikwento sa'yo kapag nagkita na tayo uli. I miss you. Bantayan mo kami palagi. I love you beb. Salamat sa lahat ng saya na ibinigay mo sa akin. Sana nasaan ka man ngayon, alam mo na naghihintay parin ako sa'yo.



No comments:

Post a Comment